Committee on Transportation bukas sa planong magkaroon ng loop routes  sa syudad

SORSOGON CITY – Inihayag ni Committee on Transportation Chairman City Councilor Danilo Deladia na bukas sila para sa planong magkaroon ng loop routes para sa mga pasaherong magtutungo sa SM Mall na dadaan sa diversion road at vice versa.

Sa pahayag ng opisyal sinabi nito na ang naturang plano ay kanilang pag-aaralan at posibleng i-request sa executive na mapayagan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Aniya, malaking tulong din kasi ito sa riding public upang hindi na magdouble ride pa ang mga ito sakaling maghigpit na sa route plan at alisin na ang libreng sakay lalo pa at talagang wala namang ruta ang mga tricycle sa nasabing mga lugar.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Samantala,  tiwala naman ang opisyal na kung ang loop routes umano ay naipatutupad sa ibang mga lugar ay kaya rin ng lungsod na magkaroon ng kahalintulad na mga biyahe. Una rito, mayroong mga nagbigay ng suhestiyon na magkaroon ng loop routes na iikot sa diversion at coastal roads.