PNP, bumuo ng task force para imbestigahan ang pagkalat ng malisyosong video ni PBBM

Kasunod ng pagkalat ng malisyosong video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. , bumuo na ng task force ang PNP para imbestigahan ito.

Kasunod nito, mariing kinondena ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang pagpapakalat ng naturang video ng pangulo kasabay ng paglalabas ng ilang screenshot bilang ebidensya na Deepfake ito.

Read More:  Filipina files acts of lasciviousness complaint vs Russian Embassy staff

Sabi ni Abalos matagal na niyang kilala ang Pangulo at hindi siya naniniwala sa kumakalat na video na ito.

Bagama’t sa ibang bansa unang kumalat ang video kanila paring aalamin ang motibo sa pagpapakalat nito.

Read More:  DepEd warns students against fake news, pranks, and bomb threats

Babala naman ni PBGen. Matthew Baccay, Acting director for Investigation & Detective Management na mahaharap sa paglabag sa Anti cybercrime law ang nagpakalat at mag sshare ng video kung saan may kaakibat itong pagkakakulong.