Oplan bandillo isinagawa ng Talisay PNP sa San Jose Beach matapos ang insidente ng pagkasawi batang babae sanhi ng pagkalunod nitong Huwebes

CAMARINES NORTE- Agad na nagsagawa ng oplan Bandillo ang mga kapulisan ng Talisay Municipal Police Station sa kahabaan ng San Jose Beach, Cory Aquino Boulevard, Talisay, Camarines Norte

Ito ay matapos ang nagyaring insidente ng pagkasawi ng 10 taong gulang na batang babae sanhi ng pagkalunod sa naturang lugar

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Isinagawa ng kapulisan ang Oplan Bandillo upang magbigay ng babala na maging mapagmatyag at maingat sa mga may balak maligo sa dagat

Paalala ni  mismong deputy Chief of Police na si PLt Matosalem Romero Jr  sapubliko  na magingat sa lahat ng oras lalo na sa mga kabataan

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Hangad ng naturang opisyal na  sana’y huwag nang maulit ang ganitong mga insidente na nagresulta pa ng pagkamatay ng bata.

Nagpaalala rin ang Talisay PNP sa mahigpit na  pagsunod sa ipinapatupad na minimun public health standards sa lalawigan.