Bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa bayan ng Daet umakyat sa 66, bilang ng aktibong kaso bumaba sa 219

CAMARINES NORTE- Umakyat na sa 66 ang bilang ng mga naitatalang nasawi sa bayan ng Daet Camarines Norte ito ay pawang mga nagpositibo sa RT PCR Test

bukod pa rito, umabot na rin sa 35 mga nasawing pasyente na COVID Pneumonia Suspect/Probable

sa latest report ng Daet IMT sa pamamagitan ng kanilang emergency Operations Center, na may petsang January 28, 2022 ang limang barangay na may pinakamarami ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 ay ang Brgy Alawihao na nakapagtala ng 7 pagkasawi na sinundan ng Camambugan at Lag- on na may tig-6 na kaso, at may tig limang kaso naman ang Brgy Gahonon at Magang

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa ngayon ang bayan ng Daet ay bumaba na sa 219 ang aktibong kaso matapos ang pagtaas ng bilang nito sa loob ng tatlong linggo, bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng mga nakarekober na sa sakit sa 1,136

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa kabuuang nakapagtala na 1,316 na kaso ng  COVID-19 ang naturang bayan

Habang nasa 516 pa ang under monitoring nd Daet EOC