Oplan Balik Eskwela, nailatag sa iba’t ibang pampublikong paaralan – DEPED Bicol

LEGAZPI CITY – Halos magdadalawang linggo nang nakalatag sa iba’t ibang paaralan sa Bicol Region ang Oplan Balik Eskwela.

Ayon kay Department of Education Bicol Regional Spokesperson Mayflor Jumamil, naglatag sila ng mga Public Assistance Desks sa bawat paaralan upang makatulong sa mga nagnanais magtanong tungkol sa enrollment at iba pang may kinalaman sa pagbabalik eskwela.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Taun-taon aniyang isinasagawa ng ahensya ang ganitong sistema upang mapabilis ang kasagutan sa problema ng mga magulang tuwing magbubukas ang klase sa bansa.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa ngayon ay wala pa naman umanong problema na naire-report sa kanilang tanggapan dahil maayos namang nasusunod ang mga guidelines. Samantala, patuloy pa rin ngayon ang pagtanggap ng mga enrollees sa iba’t ibang pampublikong paaralan.