Kahalagahan ng pagpapatupad ng renewable energy utilization na may kaugnayan sa Japan, binigyang diin

LEGAZPI CITY – Binigyang diin ni Albay Provincial Planning and Development Coordinator Arnold Onrubia, ang kahalagahan ng pagpapatupad ng mga Renewable Energy Utilization na nakabase sa best practices ng bansang Japan.

Ito ay kaugnay ng kakatapos lamang na Knowledge Co-Creation Program (Young Leaders) for the Philippines 2024, na nilahukan ng nasabing opisina sa bansang Japan kung saan binigyang diin dito ang ilan sa mga study trip tungkol sa renewable energy, lalong-lalo na sa mga best practices at best policies ng nasabing bansa.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Isa sa mga tinalakay ni Onrubia ang pagkakaroon ng Citizens Investment Fund sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga Special Purpose Vehicle (SPV) kung saan puwedeng maglagak ng investments ang mga mamamayan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kabilang naman sa mga pinag-usapan sa nasabing pagpupulong ang engineering at technology perspective ng proyekto kung saan puwede umano itong kopyahin at i-apply hindi lamang sa lalawigan ng Albay kundi pati na rin sa bansang Pilipinas.