LEGAZPI CITY- Kinumpirma ng mga otoridad na isang mataas na opisyal ng rebeldeng New People’s Army ang napatay sa nangyareng engkwentro sa Daraga, Albay.
Sa opisyal na pahayag na pinalaba ng Philippine Army, magsisilbi sana ng warrant of arrest sa suspek na si Antonio Abadeza alyas “Flatops”, Vice Commanding Officer ng NPA sa ilalim ng Komite ng Probinsya 3, Platoon 3, Komiteng Sangay ng mauwi sa engkwentro sa nasabing lugar.
Ayon sa otoridad, una na silang nakatanggap ng report sa umanoy ginagawa nitong pangingikil o extorsion sa ilang negosyante.
Dagdag pa nito, si Abadeza sa patung-patong na kaso ng Attempted Murder, Homicide, Robbery with Homicide at Murder kung kaya agad na pumunta sa lugar ang mga tauhan ng PNP kasama ang Philippine Army upang ihain ang warrant of arrest.
Sakay ang suspek ng kanyang motorsiklo ng sinubukang patigilin ng mga otoridad subalit imbes na sumuko ay bumunot ito ng baril at pinaputokan ang mga pulis at sundalo.
Narekober mula sa suspek ang isang hindi pa malaman na kalibre ng badil na may walong bala, isang magazine na may anim pang bala, bag na laman ang 11 pang mga bala, tatlong piraso ng kulay berdeng mga permit to campaign stickers at P11,710 pera.