SORINTRAFED, hihilingin ang LGU-operated terminal sakaling hindi magkasundo at ng SITEX

SORSOGON CITY – Plano ng Sorsogon Integrated Transport Federation (SORINTRAFED) na humiling ng terminal sa City-LGU sakaling hindi na maplantsa ang gusot sa kanilang hanay at ng Sorsogon Integrated Terminal Exchange (SITEX) ng SM. 

Sa pahayag sa Brigada News ni SORINTRAFED President Ramon Dealca, sinabi nito na kung paninindigan ng SITEX ang mga patakarang inilatag nito at hindi isasaalang-alang ang kanilang panig ay wala umanong silang ibang pagpipilian kundi hilingin sa City Government na bigyan sila ng ibang terminal.

Matatandaan na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring tinututulan ng nasabing transport group ang anila’y mataas na  presyo ng terminal fee at iba pang bayarin na sinisingil ng SITEX na lubha umanong mabigat para sa kanila at hindi nila kaya.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

SAMANTALA,  sinimulan na ng Lokal na Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng PNP at Task Force SK3 ang paglalagay ng assistance at complaint desk sa Sorsogon Integrated Terminal Express (SITEX) ng tinatayong SM Mall.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Fm Sorsogon ang naturang resolusyon ay inihain ni City Vice Mayor Eric Dioneda na naglalayong matugunan ang mga reklamo ng mga pasahero laban sa mga abusadong tsuper gayundin ang mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mananakay at mga tsuper kung saan agad agad at direkta na itong maipapaabot sa mga awtoridad.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Kaugnay nito, nanawagan naman ang opisyal ng kooperasyon mula sa publiko upang mas maging maayos ang sitwasyon ng trasnport sector at hindi naman maisantabi ang karapatan ng mga pasahero at ng mga jeepney at tricycle drivers na namamasada sa sentro ng lungsod.

PHOTOS: Vice-Mayor Eric Dioneda fb page