India— Isang uri ng kwentong pag-ibig nanaman ang nagpatunay na totoong kapag nagmamahal ang isang tao, “hahamakin nito ang lahat, masunod ka lamang.”
Sa isang maliit na bayan sa Ganeshpur, India isang electrician ang hinuli at ipinarada sakanilang baryo matapos nitong isabotahe ang suplay ng kuryente sakanilang lugar, upang sekretong makipagkita lamang sa kanyang babaeng iniirog.
Batay sa ulat, halos gabi-gabing nawawala ang suplay ng kuryente sa buong bayan ng Ganeshpur sa tuwing sasapit ang gabi na tumatagal ng dalawa hanggang tatlong oras.
Labis itong ipinagtataka ng mga residente dahil ayon naman sakanilang power supply company, wala silang naitatalang anumang aberya o pag malfunction ng mga transformers at planta mula sakanilang mga sources.
Naghinala ang mga residente sa lugar na may sumasabotahe sakanilang power supply dahil bukod tangi ang kanilang bayan na nakakaranas ng nasabing insidente.
Dahil dito, nagpasya ang ilang mga residente na magsagawa ng pagpapatrolya kung saan dito na nila nadakip ang electrician kasama ang isang babae sa loob ng isang eskwelahan sa lugar.
Inamin nito na siya ang pumapatay ng kuryente sakanilang bayan upang sekretong makipagkita sakanyang girlfriend na hindi gusto ng kanyang magulang para sakanya.
Ang masamang ginawa ng electrician ay nag resulta at pumabor sakanyang hangarin matapos silang ipakasal ng kanyang kasintahan sa tulong ng mga village elders.### JDR, BNFM BICOL