HEA sa mga barangay at health personnel na nagsilbi sa kasagsagan ng pandemya sa Naga City , hinihintay pa rin

NAGA CITY – Hinihintay pa rin ng mga barangay at health personnel ng Naga City na nagsilbi bilang mga frontliners sa kasagsagan ng COVID-19 ang naipangakong Health Emergency Allowance ng Department of Health at ng City Government na nagkakahalaga ng tatlong libong piso hanggang siyam na libong piso kada buwan, depende sa naging trabaho.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Nabanggit ito sa Brigada News FM Naga ni Magno Reyes, head ng Mental Health Division ng city health office na ayon sa kanya, ay wala pa sa kanilang mga kasamahang empleyado ang nakatanggap, bagamat meron na sa ibang barangay at infirmary.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon sa kanya, wala anya silang magagawa kundi maghintay, sa halagang ito na sayang naman kung hindi matatanggap, lalo na ang mga Barangay Health Workers, nurses, midwives, doctors at maging mga barangay opisyal at tanod na nalagay din sa panganib ang kalusugan dahil sa COVID-19.