Alkalde ng Cauayan City, nagpahayag ng suporta sa mga batang atleta na lumahok sa 2024 Palarong Pambansa

Nagbigay ng suporta ang alkalde ng Lungsod ng Cauayan na si Mayor JC Dy para sa mga batang atleta na kasalukuyang nakikpagtagisan sa iba’t ibang mga kapwa atleta sa 2024 Palarong Pambansa sa Cebu.

Sa Facebook post ng Alkade, binansagan niya ang mga atleta na “best of the best” na lalaban din sa mga pinakamagagaling na atleta sa buong bansa.

Dagdag pa niya, ibinuhos nila ang kanilang mga puso sa pagsasanay at itinulak ang kanilang mga limitasyon para sa kompetisyong kanilang sinalihan.

Tinawag din niya ang mga atleta na mga “role models” dahil nagpapamalas sila ng dedikasyon, at ipinakitang posible ang isang pangarap kapag itinakda mo ito sa iyong isipan.

Kaugnay nito, personal din na sinamahan ng alkalde ang mga atleta sa Cebu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *