KORONADAL CITY – PINAPAIBAYO ngayon ng 6th Infantry Kampilan Division ang kanilang operasyon sa layuning ma-dis-armahan at maaresto ang mga armed groups na patuloy ang panghaharass sa ilang mga lugar ng Sultan Kudarat.
Binigyang-diin ni Maj. Gen. Antonio Nafarrete, Division Commander of the 6th Infantry Kampilan Division at Joint Task Force Central, na wala ng sino mang tataas pa sa batas at patuloy ang kanilang pagtutok sa lahat ng mga armed groups na sakop sa kanilang area of responsibility.
Kinabibilangan ito ng mga grupo gaya ng MILF at MNLF. Dahil responsibilidad nila ang peace and security ng mga komunidad sa South at South-Central Mindanao, mas tinutukan nila ngayon ang pagsunod sa kanilang mandato na makapaghanap ng peaceful resolution kaugnay sa nagpapatuloy na mga clan wars o rido na sakop ng kanilang dibisyon.
