Umano’y manipulation sa crime statistics – naging dahilan ng pag-relieve sa 19 station commanders – PRO-XI Director BGen. Torre

Manipulasyon ng crime statistics para lumabas na mababa ang crime rate sa Davao City, ang isa sa mga dahilan ng pagsibak sa hepe at 19 station commanders ng Davao City Police Office.

Ito ang ibinunyag ni Brig. Gen. Nicolas Torre III, Police Regional Office ng PRO-11, kasabay ng pagpapakita ng dalawang “blue blotter” na libro na narekober sa Calinan Police Station sa inilunsad na routine “blotter validation” mula ng maupo siya sa posisyon ng PRO-XI.

Sa blotter book, mayroong sulat-kamay na mga entry ng mga naitalang krimen mula Hulyo 2 kung saan mayroong maraming mga entry na may markang “for record only” o para lamang sa dokumentasyon at hindi ang aktwal na krimen.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Paliwanag ni Torre, bahagi ng regular na mekanismo ng Philippine National Police ang pagsasagawa ng “blotter validation” na ginagawa nito sa Davao Region para maiwasan ang posibilidad na pagtakpan o pagtatago sa totoong insidente.

Naniniwala si Torre na malaki ang posibilidad na hindi totoo ang crime statistics na inilabas ng DCPO, gaya ng naitalang “lost item” entry noong March 4, 2024, na dapat ay kaso ng “theft” dahil nakasulat dito na ‘believed to be stolen’ o pinaniniwalaang ninakaw.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Samantala, nagkaroon rin ng insidente kung saan nagsumbong ang may-ari ng isang motorsiklo na na-carnap, sa isang pulis station sa Davao ngunit “for record” lang ang kaso.

Dagdag ni Torre na hindi niya intensyon na sirain ang imahe ng komunidad na kanyang pinaglilingkuran sa kasalukuyan, ngunit iginiit nito na dapat tama ang mga numerong ipinapakita sa datos. (with reports from EMMAN DELA PEÑA – 93.1 BNFM DAVAO)