Higit P2 na rollback – namumuro sa susunod na linggo

GOOD NEWS SA MGA MOTORISTA! Namumuro ang malakihang rollback sa presyo ng mga produkto sa susunod na linggo.

Sa pagtataya ng oil industry soruces, maglalaro sa mahigit P2 ang posibleng itapyas sa kada litro ng gasolina, diesel, at sa kerosene.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Kahit na Biyernes pa lang, huling araw na rin ng trading day kahapon kaya tanging ang forex na lang ngayong araw ang magdidikta sa magiging paggalaw sa presyohan ng oil products sa susunod na linggo.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Sa araw ng Lunes iaa-anunsyo ang opisyal na price adjustment; habang magiging epektibo naman ito sa araw ng Martes.

Pag nagkataon, ito na ang ikalimang linggong rollback sa disesel at kerosene; habang ika-apat na linggo naman sa gasolina.