Usap-usapan ngayon ang aktres na si Yassi Pressman at boyfriend nitong si Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte matapos ipakita sa buong mundo kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Viral kasi ngayong ang video ng dalawa matapos ang performance ni Yassi sa “Kaogma Festival.”
Sinamahan siya ni Gov. Villafuerte sa stage at biglang sinunggaban ng halik, na siyang ikinakilig naman ng mga tao event.
Bagama’t kinilig ang mga nanonood ng live, iba naman ang reaksyon ng mga netizens dahil hindi raw ito maganda tignan, lalo na’t isa siyang public official.
Saad naman ng iba, mas okay na lang sana kung simpleng smack lang, hindi na kailangan gawing passionate ang kiss sa harap ng libo-libong tao.