Napanatili ng bagyong Aghon ang lakas nito at ngayon ay nasa coastal waters na ng Catbalogan City, Samar.

Ayon sa PAGASA, lalakas pa ang bagyo at maaaring maging isang typhoon sa Martes.
Isa pa rin itong tropical depression na may lakas na hanggin na umabot sa 55 km per hour at pagbugso na umaabot sa 90 km per hour.
Patuloy ang paggalaw nito papunta sa hilangang kanluran sa bilis ng 30km per hour.
Pagkatapos dumaan ni Aghon sa Samar mag la-land fall naman ito sa Bicol region.
Samantala, nakataas pa rin ang signal no. 1 sa Northern portion of Aurora, Polillo Islands, southern portion ng Quezon, Eastern portion of Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate.
Signal number one din sa Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, extreme northern portion ng Cebu, northeastern portion ng Bohol at Dinagat Island.