‘One Mindanao,’ tinanggihan ng ilang mambabatas

Tinanggihan ng ilang mambabatas ang panawagang muling ibinuhay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para ihawalay ang Mindanao sa bansa.

Binansagan ito ni dating Senior Associate Justice Antonio Carpio bilang “kalokohan” at sinabing labag sa 1987 Constitution ang ideya na humiwalay ang Mindanao sa Pilipinas sa pamamagitan ng prosesong batay sa pangangalap ng mga pirma.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Sa Senado, kapwa tutol rin sina Minority Leader Aquilino Pimentel III at Senador Francis Escudero.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Nang tanungin tungkol sa One Mindanao, sinabi ng ilang mambabatas sa Kongreso na bukas sila sa mga talakayan tungkol dito, kabilang na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.