One-billionth COVID shot, na-administer na sa China

Inanunsyo ng China na nagawa nitong maiturok ang one-billionth shot sa pinakamalaking coronavirus inoculation drive.

Nakamit ng China ang vaccine milestone nito matapos lumampas sa 2.5-billion ang bilang ng mga na-administer na COVID-19 vaccine shots sa buong mundo base sa mga ulat na inipon ng AFP galing sa iba’t-ibang official sources.

Mababatid na nagtakda ang mga otoridad sa China ng target na ma-fully vaccinate ang 4-percent ng halos 1.4-billion population nito sa katapusan ng buwan.

Dahil dito ay meron nang ilang probinsya sa China ang nag-aalok ng bakuna ng libre para himukin ang mga tao na magpaturok.

Nabigyan naman ang mga residente ng central Anhui province ng mga libreng itlog, habang ang ilan naman na nakatira sa Beijing ay nakatanggap ng libreng shopping coupons.

Malayo ang tagumpay ng China laban sa virus kung ikukumpara ito sa Brazil, na noong Sabado ay naging ikalawang bansa na lumapas ang COVID-19 death toll sa 500,000, kasunod ng Estados Unidos.

Naging mabagal ang vaccination efforts sa Brazil kung saan ay nasa 11-percent lamang ng Brazilian population ang nakapagpabakuna na sa gitna ng third wave ng infections na naranasan naturang bansa.

Nangako naman si President Jair Bolsonaro, na dating bumabatikos sa mga bakuna, na ma-i-immunize ang buong populasyon ng Brazil sa katapusan ng taon, na ayon sa ilang mga eksperto ay imposible.