On-site assessment sa mga bagwis nominees ng DTI-Isabela, nagsimula na

Sinimulan na ng Consumer Protection Division ng DTI-Isabela ang on-site assessment sa mga nominado ng DTI Bagwis award.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM kay DTI Isabela Provincial Director Winston Singun, target ng ahensiya ang 10 hanggang 15 na tindahan para sa new at upgrading ng Bagwis award.

Aniya, layunin nito na mabigyang pagkilala ang mga tindahan na sumusunod sa mga alituntunin ng DTI.

Ilan sa tinitignan ay ang mga nasa checklist criteria gaya ng consumer welfare desk at pagsunod sa Fare Trade Law o ang pagkakaroon ng price tag, SRP, no return no exchange policy at wala pang natatanggap na reklamo mula sa mga konsyumer.

Ang naturang parangal ay mayroong tatlong kategorya na kinabibilangan ng Bronze, Silver at Gold Seal.

Ayon pa kay Dir. Singun, ang mga tindahang mayroong Bagwis seal ay nagpapatunay na na-certify na ito ng DTI at sumusunod sa karapatan ng mga mamimili.

Bukod sa bagwis seal ay mabibigyan din sila ng plaque o trophies.

Sa ngayon ay anim na nominees ang sumailalim sa assessment at evaluation na kinabibilangan ng mga grocery, department at hardware store sa mga munisipalidad ng Roxas at Mallig, Isabela.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *