Omicron variant, simula ng pagtatapos ng COVID-19 pandemic?

Hindi pa rin dapat maging kampante at dapat mas mag-ingat pa ang publiko para makaiwas na mahawa ng COVID-19.

Ito ay sa kabila ng teorya na posibleng ang Omicron variant ang simula ng pagtatapos ng COVID-19 pandemic.

Sinabi Fr. Nicanor Austriaco na isa ding biologist na ang Omicron variant ay isang “natural vaccine”

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Ayon kay Austriaco, ang mga nahawa ng Omicron at gumaling ay nagkaroon ng antibodies na poprotekta sa kanila hindi lamang sa parehong variant kundi maging ng Delta, Gamma, Beta, Alpha at D614G variants.

Ipinaliwanag ni Austriaco na mabilis kumalat ang Omicron pero kapag wala na aniyang mahahawaan ito ay kusa nang mamamatay ang virus.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Inihalimbawa ni Austriaco ang South Africa at Londin na naging mabilis ang hawaan pero ngayon ay pabagsak na din ang bilang.

Nilinaw ni Austriaco na sadyang mahirap ang sitwasyon dahil sa Omicron sa loob ng isang buwan pero pagkatapos ay dapat makitang isa itong biyaya sa lahat dahil sa pagbibigay nito ng population protection na kailangan.