Olongapo City Gov’t. naniniwalang panahon na para maghanap ang bansa ng ibang energy source

Sang-ayon ang City Government ng Olongapo na dapat ay maghanap na ng ibang energy source ang pamahalaan para pababain ang kasalukuyang halaga ng bayarin sa kuryente ng mga consumer.


Ito ay makaraang umangal ang marami sa mga consumer sa Olongapo dahil sa generation charge adjustments ng kompanyang nagsusuplay ng kuryente sa distribution company.


Ayon kay Mayor Lenj Paulino, tiyak na mababawasan ang presyo ng generation charge kapag hindi obligadong sa mga coal at diesel power plant kukuha ng kuryente.


Matatandaan, ang pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant at pagtatayo ng mga planta para spakinabangan ang renewable energy ng bansa ang isa sa mga planong gawin noon ni Presumptive Pres.Bongbong Marcos.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of food and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *