Tutulungan ng Olongapo City Agriculture Office na mairehistro ang mga rabbit raisers sa Department of Agriculture o D.A.
Ito ay para maging lehitimo ang mga ito at mapabilang sa mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan para mapalago ng husto ang pangkabuhayan.
Sa ngayon ay nakikipagugnayan na ang mga rabbit raisers sa city agriculture para matulungan na maparehistro.
Matatandaan na isa ang karne ng rabbit sa nakikitang alternatibong pamalit sa kakulangan ng suplay ng karneng baboy.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
Photo for Illustration purposes only
