Inaasahang makakaabot sa Metro Manila ang oil spill mula sa lumubog na tanker sa Bataan.
Maging sa Cavite at Bulacan ay may naiulat na ring mga oil spill na pinaniniwalaang nakaabot na doon ang naturang langis na tumugas sa Bataan.

Ayon sa Philippine Coast Guard, kumuha na sila ng sample ng langis para pag-aralan at ikukumpara sa langis na tumagas sa Bataan.
Samantala, sinabi ng PCG, na matagumpay na nilang naselyuhan at natakpan ang mga valve na nagkaroon ng leak sa MT Terra Nova kaya nabawasan na ang pagtagas ng langis simula nang lumubog ito.
Target na matapos ngayong araw ang sealing at coping sa 10 pang valves bago masimulan ang pagsisip sa industrial fuel at mailipat sa isapang tanker.
Sa Aerial survillance ng PCG nasa tatlo hanggang anim na kilometro na lang na oil sheen na nakikita ngayon sa Manila Bay.