Oil spill posibleng dahilan ng kaunting bilang ng Butanding sa karagatan ng Donsol

Inihayag ng Worlwide Fund (WWF)- Philippines na ang nangyaring oil spill sa karagatan ng Calatagan Oriental Mindoro ang isa sa mga posibleng dahilan kung bakit nabawasan ang bilang ng mga butanding sa karagatan ng Donsol ngayong taon.

Paliwanag ni WWF-Philippines Program Manager Jun Narvadez, daanan ang nasabing lugar kasi ng  mga whaleshark bago pumasok ng Ticao Burias pass papuntang Donsol.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Bukod pa rito, tinitingnan din ng WWF-Philippines ang paghina ng plankton production bilang isa pa rin sa mga salik nito.

Ayon kay Narvadez, plano nilang magsagawa ng water quality test sa mga ilog ng Donsol upang kanilang makita kung naapektuhan ba ang pag-generate o pagproduce ng mga plankton na siyang kinakain ng nasabing mga gentle giants.

Read More:  Delayed bridge project leaves Cebu students, residents struggling

Mababatid na bagama’t hindi nawawala ay kapansin pansin ang kaunting sightings ng mga butanding sa peak season nito ngayong taon.