Kinilala ng Sangguniang Panlalawigan ang Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon sa pamamagitan ng pagbibigay ng Highest Degree of Commendation matapos na maging recipient ng Bicol Region Saringaya Award 2023-LGU Category.
Matatandaan na ilan sa mga naging aktibidad sa lalawigan kaugnay ng pagdiriwang ng Philippine Environment Month ay ang sabayang clean-up drive na ginanap sa Barangay Bogna sa distrito ng Bacon, Sorsogon City at sa iba pang barangay sa buong rehiyon; pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng puro sa Barangay Amomonting sa Bayan ng Castilla at ang Regional Competition na Battle of the Eagles kung saan nakuha ni Benneth Tayo ng Yellow Woods Educational Center ang rank 2nd at 3rd sa Elementary Category at Darrylle Vince Gersalia ng Bulan National High School ang rank 2nd at 3rd sa Junior High School Category.
Ang Saringaya Awards ay isang Environment Award ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philipine Environment Month tuwing buwan ng Hunyo na kumikilala sa mga LGU at kanilang environmental initiatives at advocacies, at iba pang environmental protection, conservation and rehabilitation programs tulad ng conservation at preservation ng mangrove forest at coastal protection program ng Sorsogon.
Maliban sa Sorsogon, nakuha rin ng Camarines Sur ang nasabing pagkilala.
Ang Saringaya ay mula sa Old Bicol Term na ang ibig sabihin ay mayabong na mga puno sa kapaligiran at kabundukan na nagpapakita ng balanseng ekosistema.
