Oil price rollback, posible sa susunod na linggo -DOE

Inanunsiyo ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy na posibleng magkaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay OIMB-DOE Director Rino Abad sa kanilang inisyal na pagtaya posibleng umabot sa mahigit piso ang tapyas sa kada litro ng gasolina, halos dalawang piso sa kada litro ng diesel, at mahigit piso sa kada litro ng kerosene.

Read More:  DOE open to proposal to remove VAT on electricity

Isa sa mga factor na naka-apekto sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ayon kay Abad ay ang pagdagdag sa produksiyon ng krudo ng Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC.

Read More:  Legarda pushes ₱10,000 internship allowance for students

Paliwanag ni Abad na mas mataas pa sana ang ibaba ng presyo sa langis kung hindi umano sumabay ang pagtataas ng interest rates ng America.

Sa Lunes inaasahang ilalabas ng mga oil companies ang pinal na presyo na itatapyas sa kada litro ng produktong petrolyo.