Pilipinas may mahigit 18,000 na bagong licensed teachers matapos pumasa sa LET

Inilabas na nang Professional Regulation Commission (PRC) at ng Board for Professional Teachers (BPT) ang listahan ng mga nakapasa sa June 2022 Licensure Examination for Teachers o LET.

Ayon sa PRC mula sa 17,149 examinees nasa 8,667 dito ang pumasa sa pagsusulit para sa Elementary level o katumbas ng 50.55% passing rate.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Habang nasa 10,193 secondary teachers naman mula sa 20,191 examinees ang matagumpay na nakapasa sa naturang exam o katumbas ng 50.48% passing rate.

Isinagawa ang pagsusulit noong Hunyo 26, 2022 sa 19 testing centers sa buong Pilipinas.

Nanguna sa mahigit 8,000 nakapasa para sa Elementary Level si Charline Tiquin Juntilla ng Compostella State College – Montevista Branch matapos nitong makuha ang 93.40 ratings sa exam.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Habang si Marvin Cabel Nillas na mula din sa kaparehong paaralan ang Top 1 sa secondary level matapos makuha ang 94.00 ratings sa pagsusulit.