Oil depot sa bayan ng Pilar, inaasahang magpapababa sa presyo ng produktong petrolyo sa lalawigan ng Sorsogon

May posibilidad na bumaba na ang presyo ng produktong petrolyo sa lalawigan ng Sorsogon, ito’y kapag naging operasyonal na ang Oil Depot sa Barangay San Antonio Sapa sa bayan ng Pilar.

Sa pahayag ni Board Member Ryan Dioneda, sinabi nito na sa oras na magbukas na ang nasabing oil depot ay tiyak na malaking kaginhawaan ang dulot nito sa sektor ng transportasyon dahil tiyak na magmumura ang presyo ng gasolina kung saan tinatayang nasa P3 hanggang P5.00 umano bawat litro ang puwedeng matipid ng mga driver sa lalawigan.

Sakaling magsimula na ang nasabing pasilidad ang Sea Oil ang magsisilbing oil depot sa buong rehiyon ng Bicol kung saan mag-iimport din umano ito ng produktong petrolyo.

Sa kasalukuyan ay gawa na ang mismong depot kung saan tanging kulang na lamang ay ang daungan ng barge o barko at ang special permit para sa operasyon nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *