Legazpi City, nanguna na naman sa may pinakamataas na heat index kahapon; 50°C na temperatura, naitala

LEGAZPI CITY – Nanguna na naaman ang lunsod ng Legazpi sa may pinakamataas na heat index kahapon sa buong bansa ayon sa impormasyong inilabas ng DOST-PAGASA.

Naitala kasi ang 50°C na temperatura kahapon, pinakamataas kumpara sa ilan pang mga lugar sa bansa.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Nanguna ito sa listahan, at sumunod ang Butuan City, Agusan del Norte na may 46°C; sunod ang Dagupan City sa Pangasinan; Dipolog, Zamboanga del Norte; Iba, Zambales; Roxas City, Capiz; at San Jose, Occidental Mindoro na pawang may 44°C.

Sumunod naman ang Catarman, Northern Samar; Davao City, Davao del Sur at ang Masbate City sa Masbate na pawang nasa 43°C.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Pinag-iingat naman ang lahat sa banta ng init ng panahon dahil sa posibilidad ng mga sakit na idinudulot nito tulad ng sakit ng ulo, ubo, sipon, hypertension at lalo na ang heat stroke.