OFWs na nagkasakit ng Covid-19 makatatanggap ng cash assitance mula sa DOLE AKAP

SORSOGON CITY – Financial assistance na nagkakahalaga ng P10K para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na hindi na nakabalik sa trabaho dahil nahawa sa coronavirus o Covid-19, ito ang alok na tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamamagitan ng programang DOLE AKAP for OFW’s  katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ni OWWA-Bicol Spokesperson Rowena Alzaga, sinabi nito na ang nasabing ayuda ay one-time financial assistance program kung saan ekslusibo lamang umano ito sa mga OFW’s na dito na sa ating bansa nagkasakit at hindi na nakabalik sa kanilang trabaho.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Subalit, kinumpirma  ng opisyal na mayroon din silang hiwalay na programa para sa mga OFW’s na nagkasakit onsite o sa kanila mismong pinagtatrabahuan sa ibang bansa nahawa ng nasabing virus.

Gayunpaman, nilinaw ng opisyal na wala silang ibinibigay na asistensya para sa gastusing medikal ng mga OFW na nagpositibo sa COVID-19. 

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ang Dole-AKAP program ay naglalayon magbigay ng one-time financial assistance na nagkakahalaga ng USD200.00 o Php10, 000.00 sa land based at sea based OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa Covid-19. 

Ang DOLE-AKAP Program ay alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act ng ating pamahalaan.

Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng pinansyal na ayuda sa mga OFWs sa iba’t ibang bansa na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19, subalit bibigyan ng prioridad ang mga OFWs na higit na nangangailangan dahil sa kawalan ng tulong mula kanilang employer o sa pamahalaan ng bansang pinagtratrabahuan.