OFW hospital, magsisimula nang mag-alok ng libreng serbisyo sa June 2022

Magsisimula nang magbigay ng libreng serbisyo sa June 2022 ang kauna-unahang ospital sa bansa na para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Labor Undersecretary Renato Ebarle, ang konstruksyon ng OFW Hospital at Diagnostic Center na matatagpuan sa Barangay Sindalan sa San Fernando, Pampanga ay 15.7 percent nang tapos, as of May 6.

Read More:  DOT suspends some travel near Mayon Volcano amid unrest

Una nito, bumuo na si Labor Secretary Silvestre Bello III ng komite na titingin sa pagbili ng hospital equipment at paghire ng medical staff.

Sinabi ng DOLE na ang naturang ospital ay magbibigay ng libreng serbisyo para sa mga OFWs na kukuha ng medical certificates na kinabibilangan ng laboratory examinations at iba pang requirements para sa kanilang overseas deployment.

Read More:  DepEd launches disaster risk platform

Maliban dito, mag-aalok rin ang naturang pasilidad ng libreng serbisyo para sa dependents ng mga OFWs. //MHEL PACIA