Inanunsyo ng OCTA Research Group na bumaba sa 16% ang bilang ng COVID-19 cases na naitatala sa Pilipinas araw-araw mula noong May 5 hanggang 11, kumpara sa nakaraang linggo, bago ng naturang petsa.
Sa kanilang latest report, sinabi ng grupo na naitala ng bansa ang 7-day average sa 6,522 na may reproduction number na 0.81.
Sa kabila nito, binigyang diin ng OCTA group na may surge sa mga kaso ng COVID-19 sa Zamboanga, na nanguna sa listahan ng mga lugar sa labas ng National Capital Region, na may pinakamataas na bilang ng infections, sa 47% increase o average na 151 new cases per day.
Samantala, ang Puerto Princesa ay nagtala naman ng 35% one-week growth rate sa 60 cases daily, habang ang Batangas City at Cagayan de Oro City ay nagtala ng increase sa mga kaso, kumpara noong nakaraang linggo.
Maliban dito, ang mga lungsod naman ng Tuguegarao, Baguio, at Puerto Princesa ay may average daily attack rate (ADAR) na mas mataas sa 20 per 100,000. // MHEL PACIA
