Office of the President at mga LCE sa BARMM, magpupulong

MAKIKIPAGPULONG sa Palasyo ng Malakanyang ngayong darating na June 24, 2024 araw ng Lunes ang mga alkalde mula sa ibat-ibang bayan at lungsod sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sa inilabas na Memorandum Circular number 095 ng MILG BARMM na pinirmahan ni MILG Minister Atty. Sha Elijah Dumama Alba, pinayuhan nito ang lahat ng mga local chief executive sa rehiyon na sumama sa nasabing meeting.

Mismo ang Office of the President ang nagtakda sa nasabing pagpupulong kaya naman bukod sa mga alkalde ay hinihikayat din ang pagdalo ng lahat ng Provincial, City at Municipal Local Government Unit Officers ng MILG BARMM.

Wala naman nabanggit kung ano ang pag-uusapan sa nasabing pagpupulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *