Office of the Ombudsman, maaring kusang imbestigahan ang korupsyon sa mga irrigation projects ayon sa isang senador

Nanawagan si Senador Francis Tolentino na gamitin ang “motu proprio” o kapangyarihan ng Office of the Ombudsman na kusang imbestigahan ang katiwalian sa loob ng National Irrigation Administration (NIA) katulad ng ginawa nito sa dating pharmally scam.

Ayon kay Tolentino, maaring gamitin sa pag-iimbestiga ang mga impormasyong lumabas sa naganap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee Hearing at kasuhan ang mga makikitang nagkasala.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Kung maalala, sinabi ni Senador Raffy Tulfo sa kanyang privilege speech na mayroong malaking nagaganap na katiwalian sa NIA na naging sanhi ng delay ng mga irrigation projects na umaabot sa P121 bilyon pesos.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Kaugnay nito, nangako naman si Chief Eduardo Guillen na aalisin niya sa nasabing ahensya ang mga mapapatunayang sanhi ng korupsyon.