Mataas na minimum wage, hindi basehan para masabing makakamit ang magandang pamumuhay —DOLE

Nanindigan ang National Wages and Productivity Commission o NWPC na hindi konkretong sagot sa pagpapaangat ng antas ng pamumuhay ang dagdag na minimum wage.

Sa pagdinig ng House Appropriations Committee sa 2024 proposed budget ng Department of Labor and Employment, inamin ni NWPC Executive Director Maria Criselda Sy na hindi sapat ang average minimum wage sa buong bansa.

Ngunit hindi rin umano masasabi na ang mas mataas na arawang sahod ay sagot para makamit ang mataas na “standard of living”.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ipinunto ni Sy na nangangailangan ng whole-of-nation approach upang matugunan ang kahirapan lalo’y kung mababa naman ang productivity ay walang mapaghuhugutang source ng pagtataas ng sahod.

Kailangan aniyang balansehin nang mabuti ang kapakanan ng mga manggagawa at employer dahil posibleng bumagsak ang employment rate at maapektuhan ang investors sa overall cost.

Gayunman, iginiit ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hindi natutulog at hindi nagbibingi-bingihan ang ahensya sa mga petisyon na taasan ang minimum wage.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ipinaliwanag ni Laguesma na mayroong proseso na sinusunod ang tatlong techical working groups mula sa public consultations at pagsasagawa ng hearing.

Bukod sa 40 pesos na dagdag sa National Capital Region na inaprubahan na ng wage board, nakabinbin pa ang mga inihaing petisyon sa Regions 3, 4-A, 6 at 7.

Hindi naman nakapagbigay ng commitment si Laguesma kung kailan ito maaaprubahan dahil aaralin pang mabuti kung kakayanin ng employers ang implementasyon ng dagdag-sahod.