Comelec walang kongkretong sagot sa ‘incomplete line-up’ ng elected SK

Malaking suliranin sa hanay ng Sangguniang Kabataan ang kakulangan o hindi kumpletong elected officials sa kanilang hanay lalong-lalo na sa pagpapatupad ng mga programa.

Wala pa umanong sagot ang Comelec Manila sa problemang ito ng mga elected SK officials.

Ayon sa mga SK, hindi sila nakakapagdisburse ng pera para sa kanilang proyekto dahil walang quorum o kulang ang mga SK officials.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon pa sa Comelec, hintayin na lang ang maaring joint memorandum agreement ng DILG at Comelec upang magkaroon ng malinaw na direksyon sa pagkakaroon ng special elections sa mga barangay na kulang o hindi makumpleto ang mga opisyal ng SK dahil sa nawawalang interest ng mga kabataan kaya nagkakaroon ng bakante sa posisyon.

Aniya pa, bagamat maari namang sumulat sa kanila ang SK Chairman o opisyal ng barangay para magkaroon ng special elections, hindi aniya ito na nakini-kinita ng Comelec kaya nagkaroon ng problema sa paglaan ng pundo para rito.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Hangga’t wala pang kongkretong sagot ang ahensya tungkol dito, magiging problema ito hindi lamang nitong mga nakaraang taon, kundi maging sa mga susunod na taon.

Kamakailan ay  isinagawa sa Sorsogon Prov’l Gymnasium ang Comelec Regional Photo Exhibit and Forum.