Nakikita ng OCTA Research na magkakaroon rin ng downtrend sa mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, pero ito ay posibleng mangyari sa susunod na buwan pa, sa gitna na nananatiling mataas pa ang infections sa ilang areas.
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, lalo pang tumaas ang active cases sa Metro Manila ng hanggang 60,000 o 70,000, bago matapos ang September.
Sinabi rin ni David na ang reproduction number ay bumababa kasabay ng growth rate, na ngayon ay nasa 13% nalang.
Giit nito, ito ang unang indikasyon na gumaganda na ang sitwasyon.
Binigyang diin rin ng OCTA fellow na nakikita na nila na ang reproduction number sa Metro Manila ay bumaba ng 1.64.
Ang Reproduction number ay kailangang less than 1 para makumpirma ang downward trend sa mga kaso.
