OCTA: Herd immuntiy sa NCR Plus 8, kayang maabot sa Pasko, kung…

Naniniwala ang OCTA Research Group na kayang maabot ng Metro Manila at 8 iba pang key economic hubs ang herd immunity sa Pasko, kung ang Delta COVID-19 variant ay hindi kakalat, locally.

Batay sa tala ng gobyerno, ang Pilipinas ay nakapagtala na 17 kaso ng Delta variant, kabilang na ang isang fatality.

Pero sa kabila nito, sinabi ni molecular biologist Fr. Nicanor Austriaco, miyembro ng OCTA Research Group, na wala pa namang naitatalang community transmission ng naturang variant, said .

Sinabi naman nito na dahil sa 8.9 million COVID-19 vaccine doses na ang naituturok as of June 22, kung saan 2,246,897 individuals o 3.87 percent ang fully vaccinated mula sa kanilang target na 58 million, reasonable na makuha ang herd immunity sa Christmas. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *