Envi group, kakasuhan ang NSWMC re: Plastic pollution

Planong kasuhan ng marine conservation group ang National Solid Waste Management Commission (NSWMC) dahil umano sa walang aksyon na ginagawa para maresolba ang problema sa plastic pollution.

Ayon sa marine conservation group Oceana, naipadala ang notice to sue sa mga miyembro ng NSWMC dahil sa umano’t hindi pagpapatupad sa Republic Act 9003, o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Ang RA 9003 ay isinabatas para ma-promote ang adoption sa systematic, comprehensive, at ecological solid waste management program, kung saan inaatasan ang NSWMC na maghanda ng listahan para sa non-environmentally acceptable products and packaging (NEAPP) sa loob ng isnag taon matapos maging epektibo ang batas, at mag-aupdate bawat taon.

Kaugnay nito, naghain rin si House Deputy Speaker Loren Legarda, isa sa mga principal authors ng RA 9003, ng resolusyon noong June 2 para imbetsigahan at i-audit ang NSWMC.

Batay sa Waste Assessment Brand Audit 2019 report ng Global Alliance for Incinerators Alternatives (GAIA), lumalabas na ang bansa ay mayroong 164 million pieces ng sachets, 48 million shopping bags, 45.2 million pieces ng “labo” bags na napo-produce, araw-araw. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *