OCTA: 2-week ECQ, di sapat para makita na bumababa na ang COVID cases

Aminado si OCTA Research fellow Dr. Guido David na hindi sapat ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) para makita na bumababa na ang mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay David, na sa kanilang pagtaya at batay na rin sa mga nakaraang ECQ, inaabot ng apat hanggang limang linggo ang lockdown bago makita ang epekto nito sa bilang ng mga infections.

Samantala, sinabi naman nito na pagdating sa usapin ng healthcare utilization rate, nakikita nilang 70 percent sa NCR ay mataas ang tyansa na umakyat pa.

Kaugnay nito, ang hospital bed utilization rate naman na nasa 64 percent ay maaari pang tumaas sa 70 percent sa susunod na linggo. // MHEL PACIA-TRINIDAD