OCPO pinayuhan ang mga gun owners na isuko ang mga baril na expired na ang rehistro

Pinayuhan ng Olongapo City Police Office o OCPO ang mga gun owners sa lungsod ng na isuko sa mga otoridad ang mga expired o walang mga rehistrong baril.

Ito ay para maiwasang mapatawan ng parusa kung mahuhuling nag-iingat ng baril hindi lisensyado.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon kay PCMS Nicasio Cabalbal, sa datos ng OCPO ay may 1,958 na gun owner sa lungsod ang minomonitor ng pulisya at 1,070 sa mga ito ang malapit nang mag-expire ang rehistro o lisensya.

Matatandaan, matagal ng nagsasagawa ng Oplan Katok Boga ang mga otoridad sa mga gun owner na malapit ng mag-expire ang lisensya para paalalahanan ang mga ito.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Samantala, paalala ng mga otoridad na alinsunod pa rin sa election period ay ipinatutupad ang gun ban, suspendido ang validity ng permit to carry outside residence hanggang June 8.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

May be an image of text