Handa na si Olympian EJ Obiena at ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na bigyan ng isa pang pagkakataon ang naunsyaming mediation, ilang araw matapos umatras si Obiena mula sa mediation na inalok ng Philippine Sports Commission (PSC).
Ayon kay PATAFA chairman at Rep. Rufus Rodriguez, kung tungkol naman sa usapin ng pagbabalik kay Obiena sa national pool bago ang mediation, ay sinabi nitong isa ito sa mga ikokonsidera sa mediation.
Matatandaan na ang pole vaulter ay una nang pinatalsik ng PATAFA sa pool.
Pero sa gitna nito, nilinaw ni Rodriguez na ang naunang desisyon ng PATAFA na i-expel si Obiena ay nasuspende kasunod ng naunang tangka para sa mediation.

Samantala, para naman sa Olympian, handa niyang isantabi ang lahat ng ito at mag-move on, para maipagpatuloy umano niya ang kanyang pagsasanay at maka-compete para sa Pilipinas, sa susunod na mga taon. .//MHEL PACIA-TRINIDAD