Nurse sa bayan ng Basud na may travel history sa Camarines Sur nagpositibo sa COVID- 19

CAMARINES NORTE- Nagpositibo sa COVID- 19 ang isang nurse sa bayan ng Basud, Camarines Norte na mayroong travel history sa Cabusao, Camarines Sur.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan ang nurse ay isang babae, 30 taong gulang na taga Barangay Matnog.

Una itong nakaramdam ng sintomas noong August 13 at kasalukuyang nagpapagaling sa isang pampublikong ospital sa lalawigan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Habang ang mga close contacts ng pasyente ay naka quarantine na rin at isasailalim sa RT- PCR test.

Ayon kay Mayor Adrian Davoco, nasa limang healthworkers na sa bayan ng Basud ang tinamaan ng COVID- 19 mula noong isang taon.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aabot naman sa 825 ang nakatanggap na ng first dose ng COVID- 19 vaccine sa A1 priority group o sa Frontline Healthcare workers

Habang nasa 762 naman ang fully vaccinated na.