Numero ng mga nakapag-enroll na para sa darating na pasukan, umakyat na sa mahigit 450k

BNFM BICOL – Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng enrolled na para sa darating na pasukan, batay sa sa Learners Information System (LIS) Enrollment Quick Count ng Department of Education Bicol.

Makikita rito na umabot na sa 453,355 ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang mga lalawigan at syudad sa rehiyon.

Nangunguna pa rin ang lalawigan ng Albay 125, 027, Masbate, 65,211, Camarines Norte, 63, 903, Sorsogon na may 53, 755, Camarines Sur na mayroong 37, 920, at Catanduanes na may 4,010.

Samantala, ang mga syudad ng Naga City na may 19, 729, Sorsogon City na may 19, 094 at Masbate City na may 16, 578 ang tatlong lungsod na ngunguna sa may mataas na numero. ### Rumer Grant, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *