NTF, target na mabakunahan ang 5-milyong tourism workers laban sa COVID-19 ngayong taon

Inanunsyo ng National Task Force Against COVID-19 na target ng gobyerno na mabakunahan ang 5-milyong tourism workers laban sa COVID-19 bago matapos ang taon.

Sinabi ni NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na aprubado na ang alokasyong 20,000 doses kada linggo para sa tourism workers, kasabay ng inaasahang pagdating ng mas maraming doses ng bakuna sa iba’t-ibang rehiyon.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Kasama sa lingguhang alokasyon ng mga bakuna ang mga empleyado ng hotel at resort, at pati na rin ang mga trabahador sa mga restaurants, airports, at iba pa na bahagi ng informal economy na nagnenegosyo sa mga tourist destinations.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Iginiit ni Galvez na tinamaan ng matindi ang sektor ng turismo ng bansa noong maagang bahagi ng pandemya.

Naniniwala anya ang gobyerno na para makatayo muli ang industriya at ligtas na mabuksan ang ekonomiya ay kailangang mabakunahan ang mga miyembro ng workforce hanngang sa makakaya nito.