Camarines Norte muling nakapagtala ng single day record high ng mga bagong kaso ng COVID-19 nitong weekend aktibong kaso ng sakit pumalo na sa mahigit 900

CAMARINES NORTE- Muling nakapagtala ng single day record high ng COVID-19 cases ang lalawigan ng Camarines Norte nitong weekend

Sa case bulletin report na ipinalabas ng DOH Bicol sumampa na sa 901 ang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan,

Ito ay matapos na maitala ang 12 bagong kaso nitong sabado at 72 bagong kaso naman nitong linggo

Nito sabado ang mga bagong kaso ay nagmula sa mga bayan ng  Daet na may 6, 3 mula sa talisay habang tig-i-isa naman ang mga bayan ng Jose Panganiban, labo at Paracale

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Habang nitong linggo, nanguna sa may pinakamaraming naitala ang bayan ng Talisay na may 19, sinundan ito ng bayan ng Daet na nakapagtala ng 15 bagong kaso

9 naman ang naitala mula sa Basud, tig-8 kaso ang bayan ng Jose Panganiban at Vinzons, 7 ang mula sa Labo, 3 sa Sta. Elena at 2 sa San Lorenzo ruiz

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Habang may tig-i-isang kaso ang Capalonga, Mercedes, Paracale at San Vicente

Bunsod nito pumalo na sa 2,580 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa lalawigan

Umakyat naman sa 1,586 ang total recoveries matapos na maitala ang 40 pasyente na gumaling sa sakit

Nananatili naman sa 93 ang bilang ng mga nawalan ng buhay dahil sa COVID-19