Masayang inuman nauwi sa pamamaril sa bayan ng Basud, suspek arestado

CAMARINES NORTE- Nauwi sa pamamaril ang dapat sana’y masayang inuman ng magkakaibigan sa Purok 3, Barangay Plaridel, Basud, Camarines Norte dakong alas 2: 30 ng madaling araw noong Sabado.

Naaresto naman ang suspek na nakilalang si Ruel Abaiz 38, may asawa, mekaniko at residente ng Purok 4, Barangay Lag-on sa bayan ng Daet.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon sa ulat ng pulisya, nakikipag inuman si Abaiz sa kaniyang pinsan at mga kaibigan nang bigla itong magalit sa isang kainuman na kinilalang si Alyas Ben.

Binunot umano ng suspek ang kalibre 38 baril na nakalagay sa kaniyang likod at ipinutok sa biktima.

Maswerte namang nakailag ang biktima sa pamamaril.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Isa naman sa pinsan ng suspek na nagngangalang Arnulfo ang nakaagaw ng baril nito at itinurn- over sa mga rumispondeng tauhan ng Basud Municipal Police Station.

Ang naturang baril ay kargado ng limang bala at isang basyo.

Nasa kustodiya na ngayon ng naturang Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.