NTF-ELCAC: Nasa 20 IPs, napatay dahil sa ‘reprisal killings’ ng NPA

Inihayag ng National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nasa 20 mga miyembro ng indigenous peoples (IP) group ang nasawi noong nakaraang taon dahil umano sa “reprisal killings,” ng New People’s Army.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Ayon kay NTF-ELCAC spokesperson on IP concerns Gaye Florendo, ang naturang mga IPs ay brutal umanong pinatay sa harap ng kanilang pamilya at kumunidad.

Dagdag ni Florendo, sinabi ng opisyal ng National Commission on Indigenous Peoples, ang mga biktima ay target ng assassination dahil sa kanilang pagtanggi na makiisa o suportahan ang communist movement.

Read More:  NBI witness fails to identify alleged hitman in VP Sara trial

Binigyang diin ni Florendo na ang ancestral domains ng IP communities ay naging guerilla bases na para sa mga NPA, kung saan pati ang mga anak nila ay nirerecruit na sa grupo. // MHEL PACIA