DOLE, magbibigay ng 10-day emergency employment para sa Taal-affected individuals

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbibigay sila ng 10-day emergency employment para sa mga indibidwal na apektado ng eruption ng Bulkang Taal noong nakaraang linggo.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, 1,006 pamilya o 3,649 indibiwal ang apelktado ng phreatomagmatic bursts ng bulkan.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Paliwanag ni Bello, ang minimum wage umano sa Region IV ay nasa P400 bawat araw, kaya makakatanggap ang mga ito ng P4,000 mula sa 10 araw na pagta-trabaho.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sinabi rin ng Labor chief na handa ang kanilang ahensya sakaling tumaas pa ang bilang ng mga apektadong indibidwal sa tumataas na pag-aalburuto ng Bulkang Taal. //MHEL PACIA-TRINIDAD