Batangas City – Nilinaw ng National Telecommunication Commission (NTC) Region 4A na hindi sila ang humahawak ng data privacy mula sa mga sim card owners na dumaan sa sim registration.
Sa panayam ng Brigada Batangas kay Atty. Jualie Labeth Marie Lanting ng NTC IV-A, tinukoy niya na mga telco owners ang naghahawak ng impormasyon patungkol dito.
Aniya, dapat na maliwanagan ang publiko na hindi NTC ang nangangalaga sa data base ng sim card owners.
Samantala, nagbigay naman ng paalala si Atty. Lanting hinggil sa mga dapat gawin upang maiwasan ang mga ganitong uri ng scam.
